Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit P20 milyon halaga ng hihihinalang shabu sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Arestado ng mga pulis ang mga suspek na sina Siti Pindatun at Nur-an Bilal na mga taga-Dasmariñas, Cavite.
Nakumpiska mula sa kanila ang tatlong kilo na umano'y shabu, P1,000, at marked money.
Ayon sa pulisya, kilala ang dalawa na sangkot umano sa bentahan ng iligal na droga.
Nagbabagsak daw ng droga ang mga suspek sa Cabanatuan City at iba pang bayan sa lalawigan.
Hindi pa nagbigay ng pahayag ang mga suspek. —LBG, GMA News