Disgrasya ang inabot ng magkapatid na lalaking nagtatayo ng poste sa Sta. Catalina, Negros Oriental.

Ayon sa ulat ng Saksi nitong Miyerkules, dead on arrival sa ospital ang dalawa matapos makuryente.

Batay sa imbestigasyon, nasagi ng magkapatid ang electric mainline kaya sila nakuryente.

Inaalam ng pulisya kung may pananagutan ang kumuha sa serbisyo ng dalawa para magtayo ng poste. —KBK, GMA News