Natagpuang patay ang dalawang turista na isang Pilipino at babaeng Australian sa loob ng kanilang hotel sa Boracay.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing nadiskubre ang bangkay ng dalawa nang magpaalala ang isang hotel staff tungkol sa kanilang checkout.

Kinunan ang mga biktima ng antigen test.

Sa ngayon, wala pang malinaw na dahilan ang pagkamatay ng dalawang turista.

Nakaalerto ang pulisya matapos ang insidente. —Jamil Santos/KBK, GMA News