Halos tatlong oras nawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Mountain Province at Kalinga dahil sa isang nakuryenteng paniki, ayon sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Linggo.

Ayon sa Mt. Province Electric Cooperative, nasira ang kanilang insulator matapos may makuryenteng paniki sa kanilang linya.

Dahil dito, nag-brownout sa limang bayan ng Mt. Province at Pinglayan, Kalinga, nitong Sabado ng gabi.

Agad namang kinumpuni ang sira.

Muling naibalik ang kuryente pasado hatinggabi. —Sherylin Untalan/KBK, GMA News