Patay sa pananaga ang isang mag-ama sa Himamaylan, Negros Occidental ng dahil umano sa tsismis.

Binawian ng buhay sa hospital si Merly Lahay-lahay, 48-anyos, at ang kanyang ama na si Carlos Era, 70.

Kinilala sa Unang Balita nitong Huwebes ang ang suspect sa pananaga na si Danny Lahay-lahay, bayaw ng biktimang si Merly.

Ayon sa mga pulis, sumugod siya ang suspek sa bahay nina Merly na may dalang itak.

Nagalit umano ang supek dahil ipinagkakalat na mayroon siyang kalaguyo.

Una nitong inatake ang nakababatang kapatid ni Merly. Sinubukan siyang iligtas ng kanyang ama at ate pero sila naman ang susunod na pinagtataga.

Ginagamot pa ngayon sa ospital ang nakababatang kapatid ni Merly, at tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na tumakas matapos ang insidente. —Sherylin Untalan/LBG, GMA News