Naaresto sa Calamba, Laguna ang 12 na suspek sa hazing na ikinamatay ng isang criminology student sa Bulan, Sorsogon noong Enero ng nakaraang taon.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing natunugan ng mga awtoridad na magpupulong sa Laguna ang grupo para sa balak nilang pagdiriwang sa anibersaryo ng kanilang fraternity.

Nasa kustodiya na ng Bulan pulis ang mga suspek at walang pinyansang inererekomenda para sa kanila.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga pamilya ng suspects hinggil sa kanilang pagkahuli. —LBG, GMA News