Nagsabunutan at nagkasuntukan ang isang grupo ng mga babae matapos mag-ugat ang kanilang away dahil umano sa isang Facebook post sa Zamboanga City.

Sa ulat ng Unang Balita ng GMA News nitong Martes, makikita sa video ng 96.3 I-FM na hindi tumigil ang mga babae kahit may mga umaawat na.

Nangyari ang insidente sa kabila ng umiiral na lockdown sa lugar.

Tiniketan ang walong kasali sa rambol, ayon sa Zamboanga City Police. —Jamil Santos/KG, GMA News