Dead on the spot ang rider at ang angkas nito matapos silang masalpok ng isang SUV sa national highway sa bayan ng Padre Burgos sa lalawigan ng Quezon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nangyari ang aksidente pasado alas-tres ng hapon noong Biyernes.

Ayon sa report ng Padre Burgos Municipal Police Station, patungo sana sa Lucena City ang motorsiklo habang pabalik na sa bayan ng Mulanay, Quezon ang SUV.

Photos courtesy of Padre Burgos MDRRMO
Photos courtesy of Padre Burgos MDRRMO

 

Sa tindi ng pag-salpok, tumilapon ang rider at ang angkas nito sa magkabilang parte ng highway. Dead on the spot ang dalawa na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Sumabog at nasunog pa ang motorsiklo na sinasakyan ng dalawa.

Hindi na naisugod pa sa pagamutan ang mga biktima, at hindi na rin naisalba ang motorsiklo na natupok.

 

 

Bahagya namang nawasak ang unahang bahagi ng SUV na dumirecho sa gilid ng highway. Ligtas ang mga sakay nito.

Nasa kustodiya na ng Padre Burgos Municipal Police Station ang driver ng SUV, habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente. —LBG, GMA News