Nauwi sa trahedya ang masayang picnic para sa pagdiriwang ng kaarawan nang malunod sa ilog sa Sta. Maria, Bulacan ang tatlong menor de edad na kasama nila.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing taga-Mandaluyong ang mga biktima at nagkayayaan na mag-picnic sa ilog sa Barangay Catmon dahil kaarawan ng magulang ng isa sa kanila.

Ayon sa kapitan ng barangay, ang isang biktima ang unang nalunod at sinubukan siyang sagipin ng dalawang kasama na kinalaunan ay nalunod din.

Sinubukan pang i-revive ang mga biktima nang makita ng mga sumaklolo pero tuluyan na silang binawian ng buhay.--FRJ, GMA News