Patay ang isang lalaki sa Mariveles, Bataan, matapos siyang itulak ng isang kasamahan sa hot spring na malalim daw, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Kevin Reyes.

Umabot ng 20 minuto bago may nagsumbong sa mga tanod tungkol sa insidente dahil hindi na raw umaahon si Reyes. Agad namang tumawag sa pulisya at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga tanod.

Sinubukan pang i-revive ng rescuers ang biktima pero hindi ito nagtagumpay.

Inaalam pa rin ang dahilan kung bakit itinulak ng lalaki ang biktima.  —KBK, GMA News