Naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang raid ang dalawang bading na umano'y nagpapatakbo ng isang "cybersex den" sa Lucena City sa lalawigan ng Quezon.
Isinagawa ng NBI ang raid sa isang apartment sa Barangay Mayao Crossing ng lungsod nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa mga awtoridad, nahuli sa akto ang dalawang bading sa apartment na mayroong ka-video call gamit ang desk top computers.
Hindi na umano nakatanggi pa ang mga taong naabutan ng NBI sa loob ng cybersex den na napag-alamang tatlong taon na umanong nag-o-operate.
Dagdag ng mga operatiba, well-organized ang loob ng kwarto kung saan ginagawa ang malalaswang gawain.
Mayroon ding ilang fake o silicon boobs at sex toys na nakita sa loob ng kuwarto.
Pahayag mga suspek, mula sila sa magkakaibang lugar. Aabot umano sa P5,000 ang kanilang sahod bawat kinsenas.
Dagdag pa ng mga suspek, ang kapatid umano ng may-ari ng apartment ang kanilang boss o manager.
Ngunit, nang dumating ang may-ari ng apartment, itinanggi nito na may kinalang siya sa cybersex den. Wala daw siyang alam na mayroong ganitong gawain ang mga umuupa sa kanyang apartment.
Pero inamin ng may-ari na ang kapatid niyang bading ang umuupa sa dalawang unit ng apartment.
Ayon sa direktor ng NBI Lucena City na si Dominador Villanueva III, ang operator ng cybersex den at ang may-ari ng apartment ay nahaharap sa reklamong Human Trafficking in Relation to Cybercrime Prevention Act. —LBG, GMA News