Hinahayaan na lamang na mabulok at hindi na inani ang aabot sa kalahating ektaryang pananim na bell pepper dahil sa pagkalugi sa Pasuquin, Ilocos Norte.
Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Huwebes, inilahad ng may-ari ng naturang taniman na sobrang baba ng bentahan ng bell pepper na nasa P5 lang kada kilo.
Matatalo raw sila sa gastusin dahil mas mahal pa ang ibabayad niya sa pag-ani sa mga bell pepper.
Kaya naman pinapakain na lang sa mga hayop ang ibang bell pepper. --Jamil Santos/FRJ, GMA News