Kamuntikan nang mawasak ang isang footbridge dahil sa rumaragasang tubig ng ilog sa Lake Sebu, South Cotabato.
Sa ulat ng GMA News "24 Weekend" nitong Sabado, makikita sa video ni Dino Daham Jr. na binabalaan ng mga residente ang mga tao sa kabilang dulo ng footbridge na bumalik na at huwag nang tumawid dahil sa sitwasyon.
Ilang saglit pa ang lumipas, isang malaking puno ang tinangay ng agos ng tubig sa ilalim ng footbridge.
Sa lakas ng agos, tila tatangayin na rin ng tubig ang tulay.
Ayon sa mga residente, pansamantala lamang na ipinalit ang footbridge sa nasirang hanging bridge ng dahil din sa rumaragasang tubig nitong Nobyembre.
Ang paglakas ng agos ay dahil sa pag-ulan sa bundok. -Jamil Santos/MDM, GMA News