Nagnegatibo sa COVID-19 swab test and anim na turistang nameke ng RT PCR test sa kanilang pagtangkang mamasyal sa Boracay Island kamakailan.

Ayon sa Provincial Health Office, isinagawa ang swab test sa anim noong Miyerkules at lumabas ang resulta nitong Biyernes.

Inaresto ng mga operatiba ng Aklan Provincial Police Office ang anim na turista matapos lumabas sa paunang imbestigasyon na lima sa mga ito ay peke ang ginamit na resulta ng swab test.

Pinaniniwalaang kinopya ng lima ang orihinal na resulta ng swab test ng kasamahan nito.

Pero ayon sa Aklan Provincial Police Office, maaari pa rin nilang kasuhan ang mga suspek matapos ang kanilang 14-day quarantine sa isang facilitiy sa Kalibo, Aklan. —LBG, GMA News