KALIBO, Aklan - Pinalawig ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang surgical enhanced community quarantine sa Purok 1, C. Laserna Street, Poblacion, Kalibo dahil sa mataas nitong bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Base sa executive order na ipinalabas ni Kalibo Mayor Emerson Lachica, sa December 11 pa papayagang makalabas ang may tinatayang 600 na residente sa nasabing purok.
Sinimulan ang SECQ noong Nobyembre 20 at magtatapos sana ito sa Disyembre 4.
Pero dahil mataas pa rin ang bilang ng mga kaso ng COVID-19, pinalawig pa ito hangang December 11.
Base sa tala ng Provincial Epidemiology Surveiilance Unit, nitong Linggo, Disyembre 6, umabot sa 332 ang kaso ng mga COVID-19 sa Aklan.
Ang mga aktibong kaso ay 112 habang 11 na ang namatay.
Sa 112 na kaso, nasa 80 ang mga residente ng C. Laserna Street. —KG, GMA News