BORACAY Island—Isang ridley turtle ang nakitang nangitlog sa dalampasigan ng Boracay nitong Biyernes ng gabi.
Ayon sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO ) nakita ng ilang residente ang pangingitlog ng pawikan kayat agad nila etong ine-report sa kanilang opisina.
Matapos ang pangingitlog, pansamantala muna hinuli ng mga tauhan ng CENRO upang ma dokumento.
May haba daw etong 69 centimers at lapad na 69 cm.
Matapos madokumento at malagyan ng tag bilang isang palatandaan, kaagad din etong ibinalik sa baybayin.
Tinatayang hindi bababa sa 90 na itlog mailuluwal ng isang ridley turtle. Hihintayin pa ang ilang lingo bago inaasahang mapisa ang mga itlog. —LBG, GMA News