Isinisi ng mga residente sa Kasiglahan Village sa Rodriguez, Rizal ang matinding baha at putik na dala ng bagyong Ulysses sa pagkasira ng isang dike sa kanilang lugar.
Sinisisi rin ng mga apektadong residente ang mga quarry operation sa bundok sa makapal na putik na dala ng baha.
Iniulat ng "Balitanghali" nitong Miyerkules na itinuro ng mga residente ang pagkasira ng dike na naging dahilan umano ng pagpsok ng baha at mga putik sa kanilang mga bahay sa kasagsagan ng bagyong Ulysses.
Nasira ang maraming mga bahay sa village at yung wala nang matutuluyan ay gumawa na lamang umano ng masisilungan sa tabi ng ilog.
Nanawagan naman sa pamahalaan ang mga nawalan ng bahay na sana ay mabigyan sila ng yero upang makapagtayo sila uli ng bahay.
Isinisi naman ng mga residente sa quarrying sa bundok ang makapal na putik na dala ng baha ng bayong Ulysses. —LBG, GMA News