KALIBO, Aklan - Pinalawig pa ng Government Service Insurance System o GSIS ang pagsasara ng opisina nito hangang sa October 22.
Ito'y matapos makumpirma sa isinagawang swab test na naging positibo ang isa sa mga empleyado nito. Tatlo namang kasamahan nito ay mahigpit na binabantayan ng awtoridad.
Nauna nang isinara ng GSIS ang kanilang opisina noong October 12 at magtatagal hanggang October 16. Ang pansamantalang pagsasara ng opisina ay para mabigyang daan na lahat ng empleyado nito ay dumaan muna sa swab test.
Habang sarado ang opisina, isnailiam ito sa isang disinfection procedure.
Dahil dito, patuloy na nag aabiso ang GSIS-Kalibo sa mga kliyente nito na makipag ugnayan muna sa Facebook page ng GSIS-Kalibo o sa email sa regional office sa Iloilo.
Patuloy naman ang work from home ng mga empleyado nito.
Base sa tala ng Provincial Epidemiology Service Unit ng Provincial Health Office, nitong October 19 mayroon nang naitalang 141 ng kaso ng COVID 19 sa lalawigan. Pito sa mga ito ang namatay, 15 ang aktibong kaso at ang iba ay naka rekober na. -- BAP, GMA News