Suspendido muna ang pamimigay ng learning modules sa Zamboanga del Sur matapos makapagtala ng local transmission ng COVID-19 sa lugar, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Lunes.
Aabot sa 12 barangay ang apektado ng pagsuspinde ng pamimigay ng learning modules para sa School Year 2020-2021.
Ayon sa memorandum order na nilabas ng Department of Education Region 9, itutuloy lang ang pamimigay ng module kapag gumaling na ang mga pasyente ang nakumpleto na ang kanilang quarantine
Ipinag-utos din sa public school district supervisors at school heads na mag-work from home muna. —KBK, GMA News