Hindi muna tatanggap ng pasyente ang isang mega drug rehabilitation center na ginawang quarantine facility sa Nueva Ecija, ayon sa ulat ni Darlene Cay sa Unang Balita nitong Huwebes.
Ito ay dahil nagpositibo sa COVID-19 ang mahigit 200 nananatili roon kung saan 30 ay mga empleyado.
Habang hinihintay ang resulta ng swab test sa iba pang nasa pasilidad, iniimbestigahan na kung paano kumalat ang virus doon. —KBK, GMA News