KALIBO, Aklan —Ipinag-utos ng lokal na banking association na hangang ala-una na lamang ng hapon ang operasyon ng mga bangko sa bayan ng Kalibo.
Ipinatupad ng Aklan Bankers Association ang kanilang resolusyon sa paglilimita ng banking hours simula noong September 17, 2020.
Ayon sa resolusyon, ang patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 Cases sa Kalibo ang siyang pangunahing dahilan nito.
Base sa tala ng Provincial Epidemeology and Surveillance Unit umabot nasa 76 na COVID-19 cases sa Aklan. Sa mga ito, 36 ay aktibong kaso.
Hindi naman malinaw sa resolusyon kung kailan babalik sa normal ang operasyon ng mga bangko. —LBG, GMA News