KALIBO, Aklan —Umabot na sa 19 na health workers ang tinamaan ng COVID 19 sa lalawigan ng Aklan.
Base sa tala ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) sa ilalim ng Provincial Health Office, karamihan ng mga apektadong health care worker ay empleyado ng Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital.
Sa kasalukuyan, nitong September 17, 2020 mayroon nang 74 na kaso ng COVID- 19 sa lalawigan kung saan 35 dito ang aktibo.
Kasama rin sa bilang ang 15 na panibagong kaso na naitala sa lalawigan nitong Huwebes.
Ayon sa impormasyon ng PESU, kasama sa mga akbitong kaso ang isang 10-anyos na bata.
Apat na biktima ng COVID 19 ang naitalang namatay sa lalawigan ng Aklan. —LBG, GMA News