BORACAY ISALANG, Aklan —Isasailalim sa training ang aabot sa 1,600 na Aklanon upang mabigyan ng trabaho sa pagbubukas muli ng Boracay.
Ayon kay Aklan Second District Congressman Teodorico Haresco, Jr. mga taga-Aklan na lang muna ang papayagang magtrabaho sa Boracay dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.
Base sa tala ng Boracay PNP umabot sa 15,500 na manggagawa na galing sa Boracay ang umalis ng isla dahil sa pandempya.
Pangangasiwaan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang training.
Pahayag ni Haresco, ang mga Aklanon ay iti-train sa pagluluto ng iba't ibang uri ng putahe, tour guiding, hospitality management, at iba pa.
Posible raw kasi na mahawa ang mga manggagawa galing sa ibang probinsiya papuntang Boracay. —LBG, GMA News