Pinanghahanap na sa ngayon ang tatlong poachers sa Oriental Mindoro na pumatay ng isang tamaraw na itinuturing na endangered species.
Iniulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkules na nahuli ng mga awtoridad ang dalawa sa tatlong poachers. Nungit, nakatakas din ang mga ito habang pababa ng bundok ang mga awtoridad.
Bago makatakas ang dalawa, nakuha mula sa kanila ang isang homemade na shotgun at isang sako ng tamaraw meat na gagawing tapa.
Iginiit umano ng Department of Environment and Natural Resources na hindi maaaring gawing dahilan ang pandemya upang pumatay ng tamaraw na itinuturing na "critically endangered" species. —LBG, GMA News