Isa ang patay at 14 ang sugatan sa pagkahulog ng pampasaherong jeep sa bangin sa lalawigan ng Benguet.

Iniulat ng Unang HIrit nitong Huwebes na galing sa Baguio City ang jeep at nahulog ito sa bangin sa bayan ng Kapangan.

Sa inisyal na imbestigasyon, madulas umano ang kalsada kaya nawalan ng kontrol sa sasakyan ang driver.

Naisugod sa ospital ang 15 na sakay ng jeep, kabilang ang driver.

Namatay ang isa sa kanila. 

Tatlo naman sa mga sugatan ang pinauwi na. —LBG, GMA News