Pinakawalan na sa gubat ang isang tarsier na nasagip ng isang residente sa M’lang, Cotabato.

Ayon sa ulat ni Mariz Umali sa “Unang Balita” nitong Lunes, nakita raw ng residente noong Sabado ang tarsier na natutulog sa gilid ng sapa.

Sabi ng residente, masigla daw at tila naligaw lang ang tarsier.

Ito na raw ang ikalimang beses na may nasagip na tarsier sa bayan ng M’lang. --Ma. Angelica Garcia/FRJ, GMA News