Ilang mga suspek, kasama ang isa umanong retiradong heneral, pulis at negosyante, ang nahuli nang salakayin ng NBI ang ilegal na sabungan sa Batangas City nitong Sabado ng umaga.
Iligal na sabungan sa loob ng isang subdivision sa Batangas City, ni-raid ng NBI. Isa umanong retiradong heneral, pulis at mga negosyante, kabilang sa mga naaresto. @gmanews @gmanewsbreaking @dzbb pic.twitter.com/PhfbnIgvww
— peewee bacuño (@hero_peewee) June 20, 2020
Base sa inisyal na impormasyon, mahigit 50 na katao ang nasa sabungan na matatagpuan sa isang subdivision.
Pero halos 25 lang ang nahuli ng mga awtoridad dahil ang iba sa mga ito ay nakatakas sa pamamagitan ng pagtalon sa bangin na may taas na tatlong palapag.
Ayon kay Atty. Topher Hernandez, matagal na raw nag-ooperate ang sabungan at malaki rin ang pustahan dito.
Samantala, iimbestigahan daw ng mga awtoridad ang may-ari ng subdivision.
Nasa kustodiya naman ngayon ng NBI ang mga arestado. — Joahna Lei Casilao/DVM/KG, GMA News