Inihayag ni Senador Joel Villanueva na Enero pa lang ay nakompromiso na ang kalusugan ng pumanaw niyang kapatid na si Mayor Joni ng Bocaue, Bulacan. Pero sa kabila nito, ninais pa rin ng alkalde na maglingkod sa kaniyang mga kababayan sa harap ng krisis na dulot ng COVID-19.
"She got this vasculitis this January, compromised po 'yung immune system niya. Unfortunately, during lockdown she feels she needs to go out and personally check everything," saad ni Villanueva sa mensaheng ipinadala niya sa mga mamamahayag.
"Infection crept in and cost her life. She literally died because of her passion to serve her people, without fanfare," dagdag niya.
Pumanaw nitong Huwebes ang alkalde dahil sa "sepsis secondary to bacterial pneumonia."
BASAHIN: Alkalde ng Bocaue, Bulacan na si Joni Villanueva, pumanaw na
Noong nakaraang Abril, hinangaan ang ginawang pamimili ni Mayor Joni ng tone-toneladang gulay Mt. Province para tulungan ang mga magsasaka.
Ipinamahagi ng alkalde ang mga gulay sa kaniyang mga kababayan bilang relief goods.
"She's closest to me among my siblings, she would visit the Senate and would always be in awe [of] how we can serve our country and people," saad ng senador.
"This is worse than the worst feeling. She left four kids, three years old youngest who asked me last night, 'What happened to mommy?' I never thought na posible pa lang kidlatan ng dalawang beses ang isang puso," dagdag niya.
Nito lang nakaraang Marso, pumanaw din ang kanilang ina na si Dory Villanueva.— FRJ, GMA News