Umakyat na sa apat ang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa probinsya ng Camarines Norte, matapos maitala nitong Biyernes ng dalawa pang kaso sa bayan ng Labo.
Ayon sa DOH Bicol, isang 10-taong gulang na batang babae mula sa bayan ng Labo ang ika-71 sa rehiyon, habang isang 53-anyos naman na babae mula rin sa Labo ang ika-72 sa rehiyon.
Nagsasagawa na ngayon ng contact tracing ang LGU Labo at ang Provincial Health Office ng Camarines Norte.
Samantala, patuloy ang ginagawang pamamahagi ng relief goods o tulong ang provincial government ng Camarines Norte sa pangunguna ni Gov. Edgardo Tallado.
Ayon kay Gov. Tallado, sisikapin nilang hindi na madagdagan pa ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan. —LBG, GMA News