Isang SUV ang nahulog sa bangin nitong Linggo ng gabi dahil sa ulang dulot ng bagyong Ambo sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Sugatan ang sakay ng SUV na isang field officer ng telecommunications company.

Agad dinala sa ospital ang biktima na ngayon ay ligtas na.

Halos mag-zero visibility raw sa ibang bahagi ng Pagadian dahil sa tindi ng ulan na may kasamang malakas na hangin. Binaha rin daw ang ilang kalsada.

Ayon sa PAGASA, buntot ng bagyo ang nagpaulan sa Pagadian at iba pang bahagi ng Mindanao nitong Linggo. --KBK, GMA News