Dalawang araw at dalawang gabi na umanong dumadagsa ang napakaraming isdang dilis sa baybayin ng Barangay Tandu Bunga sa bayan ng Parang sa lalawigan ng Sulu.
Tuwang-tuwa naman ang mga residente sa panghuhuli ng dilis.
Ayon sa kanila, hindi na nila problema ang ulam ng ilang araw.
Ipinamahagi rin ang mga isda sa karatig-barangay.
Maraming taga ibang bayan din ang dumayo sa Parang upang manghuli rin ng dilis.
Sana raw ay laging ganito ang eksdena upang hindi na sila mahirapang mangisda, ayon sa mga residente sa barangay. —LBG, GMA News