Arestado ang isang babaeng nagpakalat umano ng "fake news" sa Bayugan, Agusan del Sur, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.
Ayon sa pulisya, nag-post ang 18-anyos na salarin sa social media na may COVID-19 patient sa kanilang lugar at dapat ay huwag nang lumabas ng bahay ang mga residente.
Inamin ng salarin na sa kaniya ang social media account bagama't itinanggi niya na siya ang nag-post ng fake news.
Hiniram daw niya ang cellphone ng kaibigan para mag-online gamit ang kaniyang personal account.
Nalalabag sa kasong paglabag sa Bayanihan To Heal as One Act ang salarin. --KBK, GMA News