Sumalpok sa jeep ang isang delivery van na ikinasugat ng 11 tao sa Guimbal, Iloilo, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.
Kabilang sa mga nasugatan ay mga menor de edad.
Ayon sa Guimbal Police, nawalan ng preno ang delivery van kaya bumangga ito sa nakahintong jeep, dahilan para mahulog sa kanal ang jeep.
Galing sa Iloilo City ang pampasaherong jeep na papunta sana sa bayan ng Igbaras. —KBK, GMA News