Mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas nang mainit na pag-usapan ang umano'y kapangyarihan ng ilang albularyo sa Siquijor na kaya raw magpasayaw ng mga manikang papel. Pero may mga naghihinala na may tali ang mga manika kaya ito gumagalaw.

Bagaman tumigil na umano ang mga albularyo na gamitin ang "black magic", susubukan ngayon ng isang albularyo na muling magpasayaw ng manika na gawa pa raw noong 1980's. At nandoon ang team ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," para ito idokumento.

Mapapasayaw kayang muli ang manikang papel sa pamamagitan ng "black magic," o patutunayan ng isang visual artist na madaling mapapagalaw at mapapasayaw ang manikang papel gamit ang "magic trick."


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News