Huli sa buy-bust operation sa Barotac Nuevo, Iloilo  ang dating PBA player na si Harmon Codiñera.

Sa ulat ng GMA News "Saksi," nitong Lunes,  sinabing nakuha ng mga awtoridad kay Codiñera ang walong sachet ng umano'y shabu na aabot ang halaga sa P20,000.

Mariin namang itinanggi ni Codiñera ang paratang laban sa kaniya.

Kasalukuyan umanong nagtatrabaho bilang sports utility worker ang dating basketbolista, na kapatid ng isa ring dating PBA player na si Jerry Codiñera.-- FRJ, GMA News