Kinilala sa Alaska, USA ang dedikasyon ng isang Pinoy teacher na nagtuturo sa mga kabataan na may kapansanan doon.
Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing pinagkalooban si Dale Ebcas ng prestihiyosong "Individual of the Year Award for Special Education in Inclusive Practices," ng Governor’s Council on Disabilities and Special Education sa Alaska.
Tubong Cagayan de Oro si Ebcas, at apat na taon nang special education teacher sa Kalskag Village sa Alaska.
Daan-daan special teachers ang kasama ni Ebcas na pinagpilian para tumanggap ng naturang parangal.
Aktibo rin si Ebcas sa pagsisilbi sa Unified Sports Coordinator for the Special Olympics, na gumagabay sa mga estudyante para sumabak sa mga national tournament. -- FRJ, GMA Integrated News