Sisimulan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang land evacuation ng mga Filipino na naiipit sa kaguluhan sa Sudan sa susunod na linggo.
Sa panayam ng GTV "Balitanghali" nitong Biyesnes, ipinaliwanag ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega, na hindi madali ang paglilikas sa mga Filipino sa Sudan dahil hindi magagamit ang airport bunga ng bakbakan ng Sudanese Armed Forces at Paramilitary Rapid Support Forces.
“For the repatriation, we already have authorization [to do that] given proper conditions. It should be land evacuation, not by plane, because the airport is not operational. We hope it can be done next week,” ani de Vega.
“We wil update you as soon as our team is able to enter Sudan. There is power supply and internet connection, and initially, Filipinos there on record are just around 250. Now, it is almost 500 since others were not registered, so we are asking them to reach out to us,” sabi pa ng opisyal.
Sinabi ni de Vega na maaaring makipag-ugnayan sa kanila ang mga Pinoy sa Sudan sa Philippine Embassy officials via +20 122 743 6472 at via PHinEgypt Facebook messenger account.
“A lot of Filipinos employed by a big company there like DAL are being assisted by the company for their supplies, but it is not the case for others employed in other firms. The advantage for these Filipinos [not employed by a big firm] is that they are located in the same location in significant numbers, like 11 of them reside in the same building. It is easier to locate them,” pahayag pa ni de Vega.
“The hotline is available, and the embassy will reach out to you,” pagtiyak niya.
Ayon kay De Vega, ang pinakamalapit na Philippine Embassy sa Sudan ay nasa Egypt. Pero mayroong honorary consulate ang Pilipinas sa Sudan na hanggang magbigay ng tulong sa mga Pinoy doon tulad ng groceries at iba pa nilang kailangan.
Una rito, kinumpirma ng DFA na isang Pinoy ang nasugatan dahil sa nangyayaring kaguluhan doon. Maayos na ang kalagayan ng naturang Pinoy.
Tinatayang 350 katao na ang nasawi sa kaguluhan sa Sudan, habang nanawagan ang United Nations sa dalawang naglalabang grupo na magpatupad ng three-day ceasefire kaugnay na rin ng paggunita sa pagtatapos ng Ramadan o pagtatapos ng pag-aayuno ng mga Muslim, at para mailikas ang mga sibilyan.
Nagsimula ang kaguluhan sa Sudan nitong Sabado, sa pagitan ng dalawang military generals na nagsagawa ng kudeta at umagaw ng liderato ng bansa noong 2021.
Ang isang grupo ay pinamumunuan ni Army chief Abdel Fattah al-Burhan, habang ang kabilang grupo ay hawak ng kaniyang dating deputy na si Mohamed Hamdan Daglo. — FRJ, GMA Integrated News