Sinabi ng embahador ng Hungary sa Pilipinas na nais ng kanilang bansa na kumuha ng marami pang Pinoy workers sa hospitality at electronic sectors.

Inihayag ito ni Hungary Ambassador to the Philippines Titanilla Toth nang mag-courtesy call siya kay President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Ayon sa opisyal, mayroon na sa ngayon ng mahigit 800 Filipino na nagtatrabaho sa Hungary, at magiging masaya umano ang kanilang bansa kung madadagdagan pa ito sa hinaharap.

"We have specific areas in which collaboration can be closer, mostly in hospitality sector like hotels, also in the factories, like many electronic factories are looking forward to skilled workers from the Philippines," sabi ni Toth.

"That`s why we also made the cooperation closer because we get TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) here. Tesda can be our biggest partner to make trainings before the OFWs (overseas Filipino workers) to enter Hungary," dagdag niya.

Sinabi rin ni Toth na plano rin ng Hungary na dagdagan pa ang pagkakaloob ng scholarship sa mga estudyante sa Pilipinas.

"We are already providing 35 scholarships to Filipino students, maybe in the future we can increase that," ani Toth. — FRJ, GMA News