Sa mga nagpaplanong pumunta sa Vietnam, panoorin ang pasilip ng isang Pinoy na anim na taon nang naninirahan doon tungkol sa pamumuhay, pasyalan at mga pagkain doon.

Sa ulat ng GMA News "Unang Hirit, nagbigay ng virtual tour sa Vietnam si Ryan Ganolon, isang teacher at vlogger, na nakabase sa Hanoi.

Aniya, motorsiklo ang pangunahing transportasyon sa Hanoi, ang kabisera ng Vietnam. Maaari ding maglibot sa Hanoi sa pamamagitan ng bus, taxi at taxi motorcycle.

Isa sa mga pinupuntahan sa Hanoi ay ang Old Quarter, dahil sa marami ritong pamilihan at pasyalan.

Sa Old Quarter matatagpuan ang Dong Xuan Market, ang pinakamalaking indoor market sa Hanoi.

Vietnamese dong ang tawag sa pera o currency nila. Puwedeng makabili rito ng mga damit, tela, souvenir at iba pa.

Sikat din ang mga street at seafoods sa Hanoi.

Ipinasilip din ni Ryan ang dinadayong floating market sa Cai Rang, na apat na oras ang layo sa Saigon.

Ito ang pinamalaking floating market at dinadayo sa buong mundo. Panoorin ang video para makita ang ganda ng Vietnam.--FRJ, GMA News