Inihayag ni Presidential spokesperson Martin Andanar na "partially lifted" na ang deployment ban ng overseas Filipino workers sa Ethiopia.
Sa isinagawang Palace briefing nitong Martes, sinabi ni Andanar na batay ito sa inilabas na resolusyon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) matapos ibaba sa Alert Level 2 ang Ethiopia mula sa dating Alert Level 4.
“Government has partially lifted the ban on the deployment of OFWs to Ethiopia based on board resolution made by the POEA. This after the Alert Level in Ethiopia was lowered from 4 to 2," ayon sa opisyal.
Nobyembre 2021 nang ideklara ng POEA ang total deployment ban sa Ethiopia makaraang itaas ng Department of Foreign Affairs sa Alert Level 4 ang sitwasyon doon.
Sa Alert Level 4, isasagawa na ang evacuation at mandatory repatriation ng mga Pinoy.
Ang kaguluhan sa Ethiopia ay bunga ng laban ng Tigray People's Liberation Front (TPLF) at Federal Government of Ethiopia. — FRJ, GMA News