Pinilahan ng mga Pinoy at maging ng mga Espanyol ang kauna-unahang sangay ng Jollibee sa Espanya.

Binuksan nitong Setyembre 23 ang Jollibee store sa Puerta del Sol sa Calle Arenal sa Madrid.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, sinabi ng Jollibee, na ang binuksang sangay sa Madrid ang isa sa pinakamalaki nila sa Europe, “with thousands of customers greeting the opening and the queue starting at 10 p.m. the previous day.”

 

 

Patuloy ang pagtatayo ng Jollibee ng mga sangay sa iba't ibang bansa na umaabot na sa mahigit 1,400. Kabilang na rito ang New York, Rome, London, Los Angeles, Dubai, Singapore, at Hong Kong.

Plano umano ng Jollibee na maglagay ng 50 branch sa Europe sa loob ng susunod na limang taon.

"Our entry into Spain is a major milestone in Jollibee's history and our international expansion. The heartwarming reception to our opening in Spain inspires us in our journey to bring our much-loved Chickenjoy to more countries in Europe, and is in line with our vision to become among the top five restaurant companies in the world,” ayon kay Ernesto Tanmantiong, CEO of Jollibee Group.

Sinabi naman ni Dennis Flores, presidente ng Jollibee Europe, Middle East, Asia, and Australia (EMEAA), “Our first restaurant in Madrid is an important step in our European expansion, especially as we grow Spain into one of our core markets in the region. With our delicious food, friendly prices, and warm service, we hope to continue enticing more locals to love our food just as we see in other countries across EMEAA."

Kabilang umano sa patok na produkto ng Jollibee sa Madrid ang Chickenjoy.

“Fans were also excited to try Jollibee Europe's emerging bestsellers, such as the new Spicy Chicken Burger, Sriracha Chicken Loaded Fries, and the popular Tropical Chicken Burger - delicately crafted with a breaded chicken breast topped with cheese, lettuce, slightly spicy Chili Ginger sauce, and a slice of pineapple for a unique twist,” ayon sa pahayag.—FRJ, GMA News