Inihayag ng isang opisyal ng Department of Foreign Affairs na mayroon pang 47,000 overseas Filipino workers na stranded sa Middle East dahil sa COVID-19 pandemic ang kailangang iuwi sa bansa.
"As of now, we're still looking at around 47,000 Filipinos stuck in the Middle East. We're just waiting for our SARO actually (Special Allotment Release Order)," ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola sa pagdinig ng Senado sa hinihinging P21.96 bilyon na budget ng DFA 2021.
Pinasalamatan naman ni Arriola ang Kongreso sa ipinasang Bayanihan to Recover as One Act na naglaan ng P820 milyon sa DFA para tulungan ang mga OFW.
"Once we get our SARO, we will resume our flights because we've been chartering already a lot of flights. We've already chartered 57 flights using our original Assistance to Nationals (ATN) fund," paliwanag ng opisyal.
Idinagdag ni Arriola na kailangan din nilang ayusin ang mga gastusin na hinihingi ng mga amo ng ilang stranded OFWs.
"Some of the employers would ask us for the deployment costs which as of now we're also doing but quietly. If we don't do that, we won't be able to bring them home," saad niya.
Dahil pa rin sa krisis na nilikha ng COVID-19, sinabi ni Arriola na parami pa rin ng parami ang mga Pinoy sa Middle East na nawawalan ng trabaho at nagiging undocumented.
Sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na magagandang trabaho ang nawawala sa mga OFW dahil sa pandemic.
"The jobs that we are losing in the Middle East are the better ones—the engineers because the projects have ended. Those higher and more skilled jobs have been lost and it doesn't look like they'll be coming back anytime soon," pahayag ni Locsin.
Hindi naman umano lubhang apektado ang trabaho ng mga domestic workers, dagdag niya.
Una rito, sinabi ni Arriola na umabot na sa 208,000 OFWs ang naiuwi sa Pilipinas.— FRJ, GMA News