Marami ang natuwa sa kabaitang ipinadama ng vlogger na si Alex Hirschi, mas kilala bilang Supercar Blondie sa kaniyang OFW na kasambahay na si Avelina, na mistulang tumama sa lotto dahil sa malaking halaga ng pera na kaniyang iniregalo.
Ang pera na ibinigay ni Alex ay para sa pagpapaaral ng anak ni Avelina na naiwan sa Pilipinas, at maging sa pagpapagawa ng buhay ng kaniyang mahal na kasambahay.
Ngunit bago maging amo ni Avelina ang mabait na si Alex, minsan na rin palang naranasan ng OFW na magkaroon ng malupit na amo na kaniyang pinagtiisan hanggang sa matapos ang kaniyang kontrata sa hangarin na mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang mga anak.
Tunghayan sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang naging pakikipagsapalaran ni Avelina bilang OFW, at ang madamdamin nilang pag-uusap sa video ng kaniyang bunsong anak na ilang taon na niyang hindi nakikita nang personal at patuloy niyang pinag-aaral. Panoorin.
--FRJ, GMA News