Umakyat na sa apat ang bilang ng mga Filipino na nasawi sa malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon, ayon sa Department of Foreign Affairs.
"We are saddened by the latest turn of developments. The higher figure comes as our embassy personnel work to ascertain the condition of the Filipinos in its jurisdiction,“ sabi ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Arriola nitong Biyernes.
Tumaas din sa bilang na 31 ang mga Pinoy na nasagutan sa malagim na trahediya.
Ayon kay Philippine Embassy Charge d'affaires Ajeet Panemanglor, dalawa sa mga nasugatan ay malubha ang kalagayan.
"They are confined and are being monitored at Rizk Hospital," saad ng opisyal.
Sinasabing ang nakaimbak na tone-tonedang ammonium nitrate na nasa isang bodega ang pinagmulan ng pagsabog na kumitil na sa buhay ng mahigit 100 katao at nakasugat ng mahigit 5,000 iba pa.
Patuloy umanong nakikipag-ugnayan ang mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa mga Filipino community sa Beirut at tiniyak na tutulong sa kanilang ang pamahalaan.
"The DFA reaffirms its commitment to bring the much needed support and assistance to our kababayans specially at this hour of need," sabi ni Arriola.
Tinatayang 33,000 ang mga Pinoy na nasa Lebanon at 75 porsiyento sa kanila ay nasa greater Beirut area.-- FRJ, GMA News