Halos 400 na Pilipino na karamihan ay overseas Filipino workers mula sa Saudi Arabia, Algeria at Papua New Guinea ang dumating sa Pilipinas bansa, ayon sa Department of Foreign Affairs nitong Biyernes.
Sa Twitter post ng DFA, sinabing 285 na OFWs ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport na nagmula sa Dammam, KSA.
"Coordinated by the PH Embassy in Riyadh and PH Consulate General in Jeddah with partner agencies, the flight was composed of 274 are land-based and 11 are seabased OFWs," ayon sa post.
Repatriation flights are coming in at NAIA one after the other w/ less than 2 hrs in between. The 3rd arrival this afternoon was of 52 OFWs of New Crest Mine from #PapuaNewGuinea, made possible by the DFA & the PH Embassy in Port Moresby, in coordination with partner agencies. pic.twitter.com/1yo6Lub8iP
— DFA Philippines (@DFAPHL) May 1, 2020
Sa hiwalay na post, sinabing 62 land-based OFWs mula sa Algeria ang dumating sa paliparan at sumunod naman na dumating ang 52 OFWs mula sa New Crest Mine sa Papua New Guinea.
Ang mga dumating na OFWs ay sumailalim umano sa rapid testing sa “One-Stop Shop” sa paliparan. Sasailalim din sila sa 14-day mandatory quarantine.
Sa isang pahayag naman ng DFA, mayroong 359 na overseas Filipinos ang dumating naman sa Pilipinas nitong Huwebes.
Kinabibilangan umano sila ng 280 land-based OFWs mula sa Jeddah at Riyadh sa Saudi Arabia; 15 sa Doha, Qatar; 18 undocumented OFWs mula sa Taiwan; 25 seafarers mula sa Marseilles, France; 19 na turista at OFWs mula sa Dubai, UAE; at isang engineer mula sa Lahore, Pakistan.
Sinabi ng DFA na halos 24,000 Pilipino ang naiuwi sa bansa mula sa iba't ibang panig ng mundo dahil sa krisis na dulot ng COVID-19.--FRJ, GMA News