Inihayag ni Alyssa Valdez na nagkausap sila ng isa sa mga volleyball star ng Japan na si Ran Takahashi. Nagkaroon kaya ng spark ang dalawa?
Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, inilahad ni Alyssa ang papuri niya sa 23-anyos na outside hitter ng Japan men's national volleyball team.
"He's super nice, good looking, plays well as well," saad ni Alyssa.
"I think one thing kaya din very interactive 'yung conversation namin was because back then during that time kailangan niya agad bumalik ng Japan, and he wanted to show his love for all the fans kasi hindi niya po natapos 'yung mga games niya dito sa Manila," pagpapatuloy ni Alyssa.
— Alyssa Valdez (@AlyssaValdez2) June 18, 2024
Tinanong ni Tito Boy kung personal silang nagkatagpo ni Ran.
"We've met personally," tugon ng Creamline Cool Smashers volleyball player.
Dahil dito, diretsahang tinanong ni Tito Boy si Alyssa, "May spark?"
Sa halip na tumugon, ngumiti at tumawa lamang si Alyssa.
Matatandaang naging bahagi rin si Ran ng koponan ng Japan para sa 2024 sa Paris Olympics noong Agosto kung saan nakaabot sila sa quarterfinals.
Bumalik din si Ran noong Agosto para sa isang brand event kung saan siya pinangalanang ambassador.
Samantala, naglalaro naman si Alyssa para sa Premiere Volleyball League (PVL).—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News
Lira Fernandez <lira.fernandez@gmanews.tv>