Naging masaya ang Pasko ni Jaclyn Jose nang makasama niya ang anak na si Andi Eigenmann at mga apo na sina Ellie, Lilo at Koa.

"Masaya kasi andiyan ang mga bata, andiyan sina Andi. Sa bahay ko sila nag-i-stay," kuwento ni Jaclyn sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

 

Pansamantalang hindi makababalik sa Siargao sina Andi samantalang inaayos pa ng kaniyang partner na si Philmar Alipayo ang kanilang tahanan na nasira ng bagyong Odette.

"Hindi pa sila makababalik eh, parang mga isang buwan pa raw, kasi there's no electricity, wala, nawasak talaga eh. Pati nga bahay nila tinamaan din eh," sabi ni Jaclyn.

Nauna nang ihayag ni Andi ang plano ng kanilang pamilya na i-donate sa mga kababayan sa Siargao na sinalanta ng Bagyong Odette ang kikitain nila sa mga susunod nilang vlog. —LBG, GMA News