Humingi ng panalangin si Sharon Cuneta matapos ianunsyong naka-life support ang malapit sa kaniyang celebrity stylist na si Fanny Serrano.

"HINDI KO NA KAYA. Tita Fanny is now on life support...meaning, without all the machines connected to him, he would no longer be able to breathe on his own..." saad ni Megastar sa Instagram.

 

Ayon kay Sharon, hindi niya alam ang kaniyang gagawin, at ayaw niyang maging ganito ang kahihinatnan ng celebrity stylist.

"TF, I promised you years ago that I would take care of you until the end... I think I have kept that promise. But THIS IS NOT the end I want for you...I know it is all God’s call and His decision, but I wish you weren’t in this situation. I truly have no words to say...there are just no words for how painful this is for me and the others who love you..."

Nauna nang inanunsyo ni Sharon na nakaranas si Fanny ng massive stroke nitong nakaraang linggo.

"Bakit naman ni hindi tayo puede magkita ngayon pa? Puede mo ba ako hintayin na mayakap at mahalikan at ipaalala sayo gaano kita kamahal? Para na kitang Nanay...I love you so much..." saad ni Megastar.

Sa kaniya ring post, muling ipinagluksa ni Sharon ang pagpanaw ng Filipino designer na si Rocky Gathercole.

"Bakit naman right after Rocky’s passing ikaw naman ang nasa peligro agad ngayon..? Bakit ba yung mga pinakamahal ko o tumatak sa puso ko, kayo ang umiiwan sa akin in these past couple of years lang? PAGOD NA PAGOD NA AKONG NAWAWALAN NG MAHAL SA BUHAY. Huwag muna po sana, Lord...????????????????????????" panalangin ng aktres para sa stylist. —LBG, GMA News