Sinalakay ng mga pulis sa Argentina ang isang hotel sa Buenos Aires na tinuluyan ng dating miyembro ng One Direction star na si Liam Payne, na nasawi matapos mahulog mula sa balkonahe na nasa ikatlong palapag.
Ayon sa police source ng new agency na Agence France-Presse, mga operatiba mula sa special investigations and technology divisions ang pinadala sa Casa Sur Hotel ng prosecutor's office "to seize elements of interest for the investigation."
Ilang operatiba ang nakita na sinusuri ang mga computer sa lobby counter ng hotel.
Nakita ang katawan ng 31-anyos na British pop singer makaraang tumawag ng dalawang beses sa emergency services ang isang staff ng hotel tungkol sa isang bisita na "overwhelmed by drugs and alcohol" at naninira umano ng gamit sa hotel room.
Isinagawa ang raid isang araw matapos magtungo sa Argentine prosecutor's office ang ama ni Liam na si Geoff Payne. Tinayak ng tanggapan sa nagdadalamhating ama na hindi nila isinasapubliko ang resulta ng toxicology test ng namayapang singer.
Iniulat kasi ng US media nitong Lunes na may nakitang iba't ibang uri ng droga sa sintema o katawan ni Liam batay umano sa resulta ng toxicology test na isinagawa sa kaniyang labi.
Sa ulat ng ABC at TMZ, sinabing kabilang sa nakita umano sa sistema ng mang-aawit ang "pink cocaine"—na naglalaman ng methamphetamine, ketamine and MDMA—na nakita sa partial autopsy.
Ang naturang impormasyon ay nakuha umano sa anonymous sources na pamilyar sa preliminary tests.
Ngunit ayon sa prosecutor's office, "it had not disclosed any specific technical report outside the exclusive framework of the investigation and the judicial process corresponding to the case."
Inihayag sa AFP ng isang opisyal mula sa Public Prosecutor's Office, na maaaring tapusin ngayong linggo ang toxicological analysis kay Liam.
Sinusuri umano ng mga imbestigador ang cell phones, computers, photographs at videos mula sa security cameras, at kumuha ng "numerous witness statements to reconstruct the victim's final hours and the scene of the events," ayon sa public prosecutor's office.— mula sa ulat ng AFP/FRJ, GMA Integrated News