"Whatever they see, that's what they're gonna get." Ito ang inihayag ni Kyline Alcantara nang matanong tungkol sa viral video sa social media na nakitang kasama niya si Kobe Paras sa isang private event.

"I feel like it's my right to not answer or to answer questions, or to deny nor confirm anything. I don't need to explain myself din naman po to other people. Whatever they see, that's what they're gonna get," sabi ni Kyline sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules.

Sabi pa ng Kapuso actress, "And as long as alam ng pamilya ko at 'yung mga close kong mga kaibigan or my loved ones what's really happening behind cameras, I feel like I don't owe the public any explanation naman po."

Hindi naman direktang masabi ni Kyline kung ano ang namamagitan sa kanila ni Kobe.

"It's a different feeling po," paliwanag niya. "Lumalabas na lang siya through actions or auras, I guess."

Unang napansin ng netizens ang mga larawan na ipinost ng dalawa noong Mayo na tila nasa iisang restaurant sila. Nasundan ito ng pag-repost ni Kobe ng Instagram Stories ni Kyline na may kasamang white heart emoji.

Hanggang sa makuhanan sila ng larawan na magkahawak ng kamay habang naglalakad sa Taguig City.

Sa ginanap na GMA Gala 2024 kamakailan na dinaluhan din ni Kobe, inilarawan noon ng binata ang ugnayan niya kay Kyline bilang "great friends."

Mapapanood si Kyline sa upcoming Kapuso adaptation ng hit K-drama series na "Shining Inheritance," kasama sina Kate Valdez, Paul Salas, Michael Sager, at Coney Reyes. —FRJ, GMA Integrated News